Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 4:1-2

Jeremias 4:1-2 ASD

Sinabi ng PANGINOON, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, manumbalik ka na. Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan at hindi ka na lalayo sa akin, at kung susumpa ka sa aking pangalan lamang na nagsasabing, ‘Habang buháy ang PANGINOONG,’ at mamumuhay nang tapat, matuwid at tama, magiging pagpapala ka sa mga bansa at pararangalan nila ako.”