Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hukom 6:35-40

Mga Hukom 6:35-40 ASD

Nagsugo rin siya ng mga mensahero sa buong lahi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang tawagin sila na sumáma sa pakikipaglaban. At sumáma sila kay Gideon. Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Sinabi nʼyo po na gagamitin nʼyo ako upang iligtas ang Israel. Ngayon, maglalagay po ako ng balahibo ng tupa sa lupang ginigiikan namin ng trigo. Kung mabasa po ito ng hamog kahit tuyo ang lupa, malalaman ko po na ako nga ang gagamitin nʼyo upang iligtas ang Israel ayon sa sinabi ninyo.” At ganoon nga ang nangyari. Nang sumunod na araw, maagang gumising si Gideon at kinuha ang balahibo ng tupa at piniga, at napuno ng tubig ang isang mangkok. Pagkatapos, sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag po kayong magagalit sa akin; may isa na lang po akong kahilingan sa inyo. Nais ko po ng isa pang pagsubok para sa balahibo ng tupa. Gusto ko po sanang mabasa ng hamog ang lupa pero manatiling tuyo ang balahibo ng tupa.” Kinagabihan, ginawa nga ito ng Diyos. Tuyo ang balahibo ng tupa ngunit basa naman ng hamog ang lupa sa paligid nito.