Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 3:14-16

Santiago 3:14-16 ASD

Kung pagkainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan ninyo ang katotohanan. Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Diyos sa langit, kundi sa mga tao dito sa mundo. Hindi ito mula sa Espiritu kundi sa diyablo. Sapagkat kung saan umiiral ang pagkainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan.