Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Santiago 2:8-13

Santiago 2:8-13 ASD

Kung sinusunod ninyo ang kautusan ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,” mabuti ang ginagawa ninyo. Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag ninyo ang kautusang ito. Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumalabag ng isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. Sapagkat ang Diyos na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.” Hindi ka nga nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa ninyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo. Walang awang hahatulan ng Diyos ang hindi nagpapakita ng awa sa kanyang kapwa; ngunit ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Santiago 2:8-13