Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 60:1-22

Isaias 60:1-22 ASD

“Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, sapagkat dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng PANGINOON. Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, ngunit ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng PANGINOON. Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari. “Tingnan mo ang iyong paligid, nagtitipon na ang iyong mga mamamayan sa malayo para umuwi. Para silang mga batang kinakarga. Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka at mag-uumapaw ang iyong kagalakan, dahil ang kayamanan ng mga bansa ay dadalhin dito sa iyo. Mapupuno ang iyong lupain ng mga kamelyo ng mga taga-Midian at ng mga taga-Efa. Darating sila sa iyo mula sa Sheba na may dalang mga ginto at mga insenso para sambahin ang PANGINOON. Dadalhin ng mga taga-Kedar at mga taga-Nebayot ang kanilang mga tupa sa iyo, at ihahandog ito sa altar ng PANGINOON upang siyaʼy malugod. At lalo pang pararangalan ng PANGINOON ang kanyang Templo. “Maglalayag ang mga barko na parang mga ulap na lumilipad at parang mga kalapating papunta sa kanilang mga pugad. Ang mga barkong itoʼy pag-aari ng mga nakatira sa malalayong lugar, na umaasa sa PANGINOON. Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis para ihatid ang iyong mga mamamayan pauwi mula sa malalayong lugar. Magdadala sila ng mga ginto at pilak para sa PANGINOON na iyong Diyos, ang Banal na Diyos ng Israel, dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.” “Itatayo ng mga dayuhan ang iyong mga pader, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa iyo. Kahit na pinarurusahan kita dahil sa galit ko sa iyo, kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti. Palaging magiging bukas ang iyong pintuan araw at gabi upang tumanggap ng mga kayamanan ng mga bansa. Nakaparada ang mga hari na papasok sa iyo. Sapagkat lubusang mawawasak ang mga bansa at kahariang hindi maglilingkod sa iyo. “Ang kaluwalhatian ng Lebanon ay mapapasaiyo, ang kanilang mga puno tulad ng pino, enebro at sipres ang magpapaganda sa aking santuwaryo; ang tuntungan ng aking mga paa ay mapaparangalan. Ang mga anak ng mga umapi sa iyo ay lalapit sa iyo at magbibigay galang. Luluhod sa paanan mo ang mga humamak sa iyo, at ikaw ay tatawagin nilang, ‘Lungsod ng PANGINOON’ o ‘Zion, ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’ “Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig, at sayoʼy walang nagpahalaga, gagawin kitang dakila magpakailanman, ang kagalakan ng lahat ng salinlahi. Aalagaan ka ng mga bansa at ng kanilang mga hari katulad ng sanggol na pinapasuso ng kanyang ina. Sa ganoon, malalaman mo na ako ang PANGINOON na iyong Tagapagligtas at ako ang iyong Tagapagpalaya, ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob. Papalitan ko ang mga kagamitan ng iyong Templo. Ang mga tanso ay papalitan ko ng ginto, ang mga bakal ay papalitan ko ng pilak, at ang mga bato ay papalitan ko ng bakal. Iiral sa iyo ang kapayapaan at katuwiran. Wala nang mababalitaang pagmamalupit sa iyong lupain. Wala na ring kapahamakan na darating sa iyo. Palilibutan ka ng kaligtasan na parang pader, at magpupuri sa akin ang mga pumapasok sa iyong pintuan. “Hindi na ang araw ang magiging liwanag mo sa umaga at hindi na ang buwan ang tatanglaw sa iyo sa gabi, sapagkat ako, ang PANGINOON, ang iyong magiging liwanag magpakailanman. Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw. Ako ang iyong magiging araw at buwan na hindi na lulubog kahit kailan. Ang PANGINOON ang magiging liwanag ninyo magpakailanman, at ang mga araw ng inyong pagdurusa ay magkakaroon ng katapusan. Ang lahat mong mamamayan ay magiging matuwid, at sila na ang magmamay-ari ng lupain ng Israel magpakailanman. Ginawa ko silang parang halaman na itinanim ko para sa aking karangalan. Kakaunti sila, ngunit dadami sila. Silaʼy kapos-palad ngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa. Ako, ang PANGINOON, ang gagawa nito pagdating ng takdang panahon.”

Bersikulong Larawan para sa Isaias 60:1-22

Isaias 60:1-22 - “Bumangon ka, Jerusalem,
at magliwanag katulad ng araw,
sapagkat dumating na ang kaligtasan mo.
Liliwanagan ka
ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Mababalot ng matinding kadiliman
ang mga bansa sa mundo,
ngunit ikaw ay liliwanagan
ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Lalapit sa iyong liwanag
ang mga bansa
at ang kanilang mga hari.

“Tingnan mo ang iyong paligid,
nagtitipon na ang iyong mga mamamayan
sa malayo para umuwi.
Para silang mga batang kinakarga.
Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka
at mag-uumapaw ang iyong kagalakan,
dahil ang kayamanan ng mga bansa
ay dadalhin dito sa iyo.
Mapupuno ang iyong lupain
ng mga kamelyo ng mga taga-Midian
at ng mga taga-Efa.
Darating sila sa iyo mula sa Sheba
na may dalang mga ginto
at mga insenso
para sambahin ang PANGINOON.
Dadalhin ng mga taga-Kedar
at mga taga-Nebayot
ang kanilang mga tupa sa iyo,
at ihahandog ito sa altar ng PANGINOON
upang siyaʼy malugod.
At lalo pang pararangalan ng PANGINOON
ang kanyang Templo.

“Maglalayag ang mga barko
na parang mga ulap na lumilipad
at parang mga kalapating papunta
sa kanilang mga pugad.
Ang mga barkong itoʼy pag-aari
ng mga nakatira sa malalayong lugar,
na umaasa sa PANGINOON.
Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis
para ihatid ang iyong mga mamamayan
pauwi mula sa malalayong lugar.
Magdadala sila ng mga ginto at pilak
para sa PANGINOON na iyong Diyos,
ang Banal na Diyos ng Israel,
dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”


“Itatayo ng mga dayuhan
ang iyong mga pader,
at ang kanilang mga hari
ay maglilingkod sa iyo.
Kahit na pinarurusahan kita
dahil sa galit ko sa iyo,
kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.
Palaging magiging bukas
ang iyong pintuan araw at gabi
upang tumanggap ng mga kayamanan
ng mga bansa.
Nakaparada ang mga hari
na papasok sa iyo.
Sapagkat lubusang mawawasak
ang mga bansa
at kahariang hindi maglilingkod sa iyo.

“Ang kaluwalhatian ng Lebanon
ay mapapasaiyo,
ang kanilang mga puno
tulad ng pino, enebro at sipres
ang magpapaganda sa aking santuwaryo;
ang tuntungan ng aking mga paa
ay mapaparangalan.
Ang mga anak ng mga umapi sa iyo
ay lalapit sa iyo at magbibigay galang.
Luluhod sa paanan mo
ang mga humamak sa iyo,
at ikaw ay tatawagin nilang,
‘Lungsod ng PANGINOON’ o ‘Zion,
ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’

“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig,
at sayoʼy walang nagpahalaga,
gagawin kitang dakila magpakailanman,
ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.
Aalagaan ka ng mga bansa
at ng kanilang mga hari
katulad ng sanggol na pinapasuso
ng kanyang ina.
Sa ganoon, malalaman mo na ako
ang PANGINOON na iyong Tagapagligtas
at ako ang iyong Tagapagpalaya,
ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.
Papalitan ko ang mga kagamitan
ng iyong Templo.
Ang mga tanso
ay papalitan ko ng ginto,
ang mga bakal
ay papalitan ko ng pilak,
at ang mga bato
ay papalitan ko ng bakal.
Iiral sa iyo ang kapayapaan
at katuwiran.
Wala nang mababalitaang pagmamalupit
sa iyong lupain.
Wala na ring kapahamakan
na darating sa iyo.
Palilibutan ka ng kaligtasan
na parang pader,
at magpupuri sa akin
ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

“Hindi na ang araw
ang magiging liwanag mo sa umaga
at hindi na ang buwan
ang tatanglaw sa iyo sa gabi,
sapagkat ako, ang PANGINOON,
ang iyong magiging liwanag magpakailanman.
Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.
Ako ang iyong magiging araw
at buwan na hindi na lulubog kahit kailan.
Ang PANGINOON ang magiging
liwanag ninyo magpakailanman,
at ang mga araw ng inyong pagdurusa
ay magkakaroon ng katapusan.
Ang lahat mong mamamayan
ay magiging matuwid,
at sila na ang magmamay-ari ng lupain
ng Israel magpakailanman.
Ginawa ko silang parang halaman
na itinanim ko para sa aking karangalan.
Kakaunti sila,
ngunit dadami sila.
Silaʼy kapos-palad
ngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa.
Ako, ang PANGINOON,
ang gagawa nito pagdating
ng takdang panahon.”Isaias 60:1-22 - “Bumangon ka, Jerusalem,
at magliwanag katulad ng araw,
sapagkat dumating na ang kaligtasan mo.
Liliwanagan ka
ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Mababalot ng matinding kadiliman
ang mga bansa sa mundo,
ngunit ikaw ay liliwanagan
ng kaluwalhatian ng PANGINOON.
Lalapit sa iyong liwanag
ang mga bansa
at ang kanilang mga hari.

“Tingnan mo ang iyong paligid,
nagtitipon na ang iyong mga mamamayan
sa malayo para umuwi.
Para silang mga batang kinakarga.
Kapag nakita mo na ito, matutuwa ka
at mag-uumapaw ang iyong kagalakan,
dahil ang kayamanan ng mga bansa
ay dadalhin dito sa iyo.
Mapupuno ang iyong lupain
ng mga kamelyo ng mga taga-Midian
at ng mga taga-Efa.
Darating sila sa iyo mula sa Sheba
na may dalang mga ginto
at mga insenso
para sambahin ang PANGINOON.
Dadalhin ng mga taga-Kedar
at mga taga-Nebayot
ang kanilang mga tupa sa iyo,
at ihahandog ito sa altar ng PANGINOON
upang siyaʼy malugod.
At lalo pang pararangalan ng PANGINOON
ang kanyang Templo.

“Maglalayag ang mga barko
na parang mga ulap na lumilipad
at parang mga kalapating papunta
sa kanilang mga pugad.
Ang mga barkong itoʼy pag-aari
ng mga nakatira sa malalayong lugar,
na umaasa sa PANGINOON.
Pangungunahan sila ng mga barko ng Tarsis
para ihatid ang iyong mga mamamayan
pauwi mula sa malalayong lugar.
Magdadala sila ng mga ginto at pilak
para sa PANGINOON na iyong Diyos,
ang Banal na Diyos ng Israel,
dahil ikaw ay kanyang pinararangalan.”


“Itatayo ng mga dayuhan
ang iyong mga pader,
at ang kanilang mga hari
ay maglilingkod sa iyo.
Kahit na pinarurusahan kita
dahil sa galit ko sa iyo,
kaaawaan kita dahil akoʼy mabuti.
Palaging magiging bukas
ang iyong pintuan araw at gabi
upang tumanggap ng mga kayamanan
ng mga bansa.
Nakaparada ang mga hari
na papasok sa iyo.
Sapagkat lubusang mawawasak
ang mga bansa
at kahariang hindi maglilingkod sa iyo.

“Ang kaluwalhatian ng Lebanon
ay mapapasaiyo,
ang kanilang mga puno
tulad ng pino, enebro at sipres
ang magpapaganda sa aking santuwaryo;
ang tuntungan ng aking mga paa
ay mapaparangalan.
Ang mga anak ng mga umapi sa iyo
ay lalapit sa iyo at magbibigay galang.
Luluhod sa paanan mo
ang mga humamak sa iyo,
at ikaw ay tatawagin nilang,
‘Lungsod ng PANGINOON’ o ‘Zion,
ang Lungsod ng Banal na Diyos ng Israel.’

“Kahit na ikaʼy itinakwil at inusig,
at sayoʼy walang nagpahalaga,
gagawin kitang dakila magpakailanman,
ang kagalakan ng lahat ng salinlahi.
Aalagaan ka ng mga bansa
at ng kanilang mga hari
katulad ng sanggol na pinapasuso
ng kanyang ina.
Sa ganoon, malalaman mo na ako
ang PANGINOON na iyong Tagapagligtas
at ako ang iyong Tagapagpalaya,
ang Diyos na Makapangyarihan ni Jacob.
Papalitan ko ang mga kagamitan
ng iyong Templo.
Ang mga tanso
ay papalitan ko ng ginto,
ang mga bakal
ay papalitan ko ng pilak,
at ang mga bato
ay papalitan ko ng bakal.
Iiral sa iyo ang kapayapaan
at katuwiran.
Wala nang mababalitaang pagmamalupit
sa iyong lupain.
Wala na ring kapahamakan
na darating sa iyo.
Palilibutan ka ng kaligtasan
na parang pader,
at magpupuri sa akin
ang mga pumapasok sa iyong pintuan.

“Hindi na ang araw
ang magiging liwanag mo sa umaga
at hindi na ang buwan
ang tatanglaw sa iyo sa gabi,
sapagkat ako, ang PANGINOON,
ang iyong magiging liwanag magpakailanman.
Ako, na iyong Diyos, ang iyong tanglaw.
Ako ang iyong magiging araw
at buwan na hindi na lulubog kahit kailan.
Ang PANGINOON ang magiging
liwanag ninyo magpakailanman,
at ang mga araw ng inyong pagdurusa
ay magkakaroon ng katapusan.
Ang lahat mong mamamayan
ay magiging matuwid,
at sila na ang magmamay-ari ng lupain
ng Israel magpakailanman.
Ginawa ko silang parang halaman
na itinanim ko para sa aking karangalan.
Kakaunti sila,
ngunit dadami sila.
Silaʼy kapos-palad
ngunit silaʼy magiging makapangyarihang bansa.
Ako, ang PANGINOON,
ang gagawa nito pagdating
ng takdang panahon.”