Isaias 6:9-10
Isaias 6:9-10 ASD
Sinabi niya, “Humayo ka at sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Marinig man ninyoʼy hindi rin ninyo mauunawaan. Makita man ninyoʼy hindi rin ninyo maiintindihan.’ Patigasin mo ang puso ng mga taong ito. Hayaan mong hindi makarinig ang kanilang mga tainga at hindi makakita ang kanilang mga mata, sapagkat kung talagang nakakakita sila, nakakarinig, at nakakaunawa, magbabalik-loob sila sa akin, at silaʼy mapapagagaling.”

