Isaias 55:8-11
Isaias 55:8-11 ASD
Sinabi ng PANGINOON, “Ang aking kaisipan ay hindi katulad ng inyong kaisipan, at aking kapamaraanan ay hindi katulad ng inyong kapamaraanan, pahayag ng PANGINOON.” “Kung gaano kalayo ang langit sa lupa, ganoon din kalayo ang aking pamamaraan at pag-iisip kaysa sa inyo. Kung paanong ang ulan at nyebe ay nagmumula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman upang makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala.





