Isaias 42:6-9
Isaias 42:6-9 ASD
“Ako ang PANGINOON na tumawag sa iyo para ipakita na akoʼy matuwid. Tutulungan at iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa, para imulat ang mga mata ng mga bulag, at magpalaya sa mga binihag na ikinulong sa madilim na bilangguan. “Ako ang PANGINOON! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o ibahagi sa mga diyos-diyosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin. Tingnan mo! Ang mga bagay noon ay nangyayari na, at ngayon ang ipinapahayag ko ay mga bagong bagay na; bago pa mangyari ang mga ito, ipinapaalam ko na saʼyo.”


