Isaias 41:10-13
Isaias 41:10-13 ASD
Huwag kang mangamba, sapagkat kasama mo ako; huwag kang malungkot, sapagkat ako ang iyong Diyos. Palalakasin kita at tutulungan. Aalalayan kita sa pamamagitan ng kamay kong nagliligtas. “Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya nang husto. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak at maglalaho. At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila matatagpuan. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan. Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Diyos. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita.










