Isaias 40:10-12
Isaias 40:10-12 ASD
Tingnan ninyo, ang Makapangyarihang Panginoon ay dumarating upang ipamalas ang kanyang lakas, at mamumuno siya na may kapangyarihan. Paparating siyang dala ang kanyang natamo, ang kanyang gantimpala ay naglalakad sa kanyang harapan. Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang kawan. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa. Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat gamit ang kanyang palad, o makakasukat ng langit gamit ang kanyang kamay? Sinong makakapaglagay ng alikabok sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?



