Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Isaias 40:10-12 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon

Isaias 40:10-12 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan, dala ang gantimpala sa mga hinirang. At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling. Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

Isaias 40:10-12 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Tingnan ninyo, ang Makapangyarihang PANGINOON ay dumarating upang ipamalas ang kanyang lakas, at mamumuno siya na may kapangyarihan. Paparating siyang dala ang kanyang natamo, ang kanyang gantimpala ay naglalakad sa kanyang harapan. Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang kawan. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa. Sino ang makakatakal ng tubig sa dagat gamit ang kanyang palad, o makakasukat ng langit gamit ang kanyang kamay? Sinong makakapaglagay ng alikabok sa isang lalagyan, o makakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?

Isaias 40:10-12 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Dumarating ang Panginoong Yahweh na taglay ang kapangyarihan, dala ang gantimpala sa mga hinirang. At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling. Sino ang makakasukat ng tubig sa dagat sa pamamagitan ng kanyang kamay? Sino ang makakasukat sa lawak ng kalangitan? Sinong makakapaglagay ng lahat ng lupa sa isang sisidlan? Sino kaya ang makakapagtimbang sa mga bundok at burol?

Isaias 40:10-12 TLAB (Ang Biblia)

Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya. Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso. Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kaniyang kamay, at sumukat sa langit ng dangkal, at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal, at tumimbang ng mga bundok sa mga panimbang, at ng mga burol sa timbangan?

Isaias 40:10-12 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))