Isaias 15
15
Ang Pahayag Laban sa Moab
1Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Moab:
Sa loob lamang ng isang gabi
ay nawasak ang lungsod ng Ar
at Kir na sakop ng Moab.
2Umahon ang mga taga-Dibon
mula sa kanilang templo
at sa kanilang mga sambahan
sa matataas na lugar para umiyak.
Iniiyakan ng mga taga-Moab
ang Nebo at Medeba.
Ang bawat isa sa kanilaʼy nagpakalbo
at nagpaahit ng mga balbas.
3Nakadamit sila ng sako#15:3 nakadamit sila ng sako: Tanda ng pagsisisi.
habang lumalakad sa lansangan.
Humahagulgol sila
sa tuktok ng bubong
at sa mga plasa.
4Umiiyak ang mga taga-Hesbon
at ang mga taga-Eleale
at naririnig ito hanggang sa Jahaz.
Kaya ang mga sundalo ng Moab
ay sumisigaw nang malakas
at nanghihina sa takot.
5Nalungkot ako
dahil sa nangyari sa Moab.
Nagsitakas ang kanyang
mga mamamayan papuntang Zoar
hanggang sa Eglat-selisiya.
Nag-iiyakan sila
habang umaahon papuntang Luhit.
Ang iba sa kanila
ay humahagulgol patungo sa Horonaim,
dahil sa kanilang sinapit.
6Natuyo ang mga sapa ng Nimrim
at nalanta ang mga damo.
Ang kaparangan ay nalanta
at anumang luntian
ay nawala na.
7Kaya dinala nila sa kabila
ng daluyan ng tubig ng Herabim
ang mga ari-arian
at kayamanang natipon nila.
8Ang iyakan nila ay maririnig
sa hangganan ng Moab,
mula sa Eglaim hanggang
sa Beer-elim.
9Naging pula sa dugo
ang tubig ng Dibon#15:9 Dibon: O Dimon.,
ngunit higit pa diyan ang gagawin ko:
Magpapadala ako ng mga leon
na lalapa sa mga nagsisitakas
mula sa Moab
at sa mga naiwan doon.
Kasalukuyang Napili:
Isaias 15: ASD
Haylayt
Ibahagi
Paghambingin
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.