Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hoseas 13

13
Ang Poot ng Diyos laban sa Israel
1“Noong una,
kapag nagsalita ang lahi ni Efraim,
nanginginig sa takot
ang ibang mga lahi ng Israel
dahil tinitingala nila ang lahi ni Efraim.
Ngunit nagkasala
ang mga mamamayan nito
dahil sumamba sila
sa diyos-diyosang si Baal.
Kaya nga namatay#13:1 namatay: O mamamatay. sila.
2Hanggang ngayon
ay patuloy pa rin kayo
sa paggawa ng kasalanan.#13:2 patuloy … kasalanan: O lalo pa ninyong pinatindi ang paggawa ng kasalanan.
Gumagawa kayo ng mga diyos-diyosan
mula sa inyong mga pilak
upang sambahin.
Ngunit ang lahat ng ito
ay gawa lamang ng tao
at ayon lang sa kanyang naisip.
Sinasabi pa ninyo
na maghahandog kayo ng tao
sa mga diyos-diyosang baka
at hahalik sa mga ito.
3Kaya mawawala kayo gaya ng ulap
sa umaga o hamog,
o gaya ng ipa
sa giikan na tinatangay ng hangin
o ng usok na lumalabas sa pausukan.
4“Ako ang Panginoon
na inyong Diyos
na naglabas sa inyo sa Ehipto.#13:4 na naglabas … sa Ehipto: O mula pa noong nandoon kayo sa Ehipto.
Wala kayong kikilalaning Diyos
at Tagapagligtas maliban sa akin.
5Kinalinga ko kayo doon sa disyerto,
sa lupaing tuyot at walang tubig.
6Ngunit pagkatapos ko kayong
pagpalain at paunlarin,
naging mapagmataas kayo
at kinalimutan na ninyo ako.
7-8Kaya sasalakayin ko kayo
at lalapain tulad ng ginagawa
ng mabangis na hayop
sa kanyang biktima.
Lalapain ko kayo
gaya ng ginagawa ng leon
at ng osong inagawan ng anak.
Babantayan ko kayo sa daan
at sasalakayin tulad
ng hayop na leopardo.
9“Pupuksain ko kayong mga taga-Israel
dahil ako na nagligtas sa inyo
ay kinalaban ninyo.
10-11Nasaan na ngayon ang mga hari
at mga pinuno na sa tingin ninyoʼy
magliligtas sa inyo?
Hiningi ninyo sila sa akin
sa pag-aakalang maliligtas nila kayo,
at sa galit ko sa inyoʼy ibinigay ko
nga ang mga ito,
at dahil din sa galit ko,
silaʼy kinuha ko.
12Hindi ko makakalimutan
ang mga kasalanan ninyo.#13:12 ninyo: Sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang talababa sa 4:17.
Katulad ang mga ito
ng kasulatang binalot at itinago.
13Binigyan ko kayo
ng pagkakataong magbagong-buhay
subalit tinanggihan ninyo ito
sapagkat mga mangmang kayo.
Para kayong mga sanggol
na ayaw lumabas
sa sinapupunan ng kanyang ina
sa panahon na
dapat na siyang lumabas.
14“Hindi ko kayo ililigtas sa kamatayan.
Sa halip sasabihin ko sa kamatayan,
‘O kamatayan,
nasaan ang iyong mga salot?
Nasaan ang iyong kapahamakan
na papatay sa kanila?’
“Hinding-hindi ko kayo kahahabagan.
15Kahit na mas maunlad kayo
kaysa sa inyong kapwa,
lilipulin ko kayo.
Paiihipin ng Panginoon
ang mainit na hanging silangan
na nagmumula sa disyerto
at matutuyo ang inyong
mga bukal at mga balon,
at sasamsamin
ang inyong mahahalagang ari-arian.
16Dapat pasanin ng mga taga-Samaria
ang kanilang pagkakasala
dahil naging suwail sila
sa akin na kanilang Diyos.
Mamamatay sila sa digmaan;
ang kanilang mga sanggol
ay dudurugin,
at ang tiyan ng kanilang mga buntis
ay lalaslasin.”

Kasalukuyang Napili:

Hoseas 13: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in