Mga Hebreo 12:2-3
Mga Hebreo 12:2-3 ASD
Ituon natin ang ating paningin kay Hesus na siyang sandigan ng ating pananampalataya mula sa simula hanggang sa katapusan. Tiniis niya ang paghihirap sa krus at hindi niya ito ikinahiya, dahil inisip niya ang kaligayahang naghihintay sa kanya. At ngayon nga ay nakaupo na siya sa kanan ng trono ng Diyos. Isipin nʼyo ang mga tiniis ni Hesus na paghihirap sa kamay ng mga makasalanang tao, upang hindi kayo panghinaan ng loob.










