Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 2:1-17

Genesis 2:1-17 ASD

At natapos ngang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon. Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw. Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat. Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa. Nang likhain ng PANGINOONG Diyos ang lupa at ang langit, wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang PANGINOONG Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa. Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito. Nilikha ng PANGINOONG Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang. Pagkatapos, nilikha rin ng PANGINOONG Diyos ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya. At pinatubo ng PANGINOONG Diyos ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Mula sa Eden, may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog. Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Havila kung saan mayroong ginto. Sa lugar na iyon makikita ang purong ginto, ang mamahaling pabango na bediliyum, at ang mamahaling batong onise. Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Cus. Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Dumadaloy ito sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates. Pinatira ng PANGINOONG Diyos sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya upang bungkalin ito at alagaan. At sinabi ng PANGINOONG Diyos sa tao, “Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan, maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka.”

Bersikulong Larawan para sa Genesis 2:1-17

Genesis 2:1-17 - At natapos ngang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng naroon.

Natapos niya ito sa loob ng anim na araw at nagpahinga siya sa ikapitong araw. Binasbasan niya ang ikapitong araw at itinuring ito na di-pangkaraniwang araw, dahil sa araw na ito nagpahinga siya nang matapos niyang likhain ang lahat.

Ito ang salaysay tungkol sa pagkalikha sa langit at sa lupa.

Nang likhain ng PANGINOONG Diyos ang lupa at ang langit, wala pang halamang tumutubo sa lupa at wala pang tanim na sumisibol, sapagkat hindi pa nagpapaulan ang PANGINOONG Diyos at wala pang taong nagbubungkal ng lupa. Ngunit kahit wala pang ulan, may mga bukal ng tubig mula sa ilalim ng lupa at dinidiligan ang lahat ng ibabaw nito. Nilikha ng PANGINOONG Diyos ang tao mula sa lupa. Hiningahan niya sa ilong ang tao ng hiningang nagbibigay-buhay. Kaya ang tao ay naging buháy na nilalang.
Pagkatapos, nilikha rin ng PANGINOONG Diyos ang isang halamanan sa Eden, sa bandang silangan, at doon niya pinatira ang tao na nilikha niya. At pinatubo ng PANGINOONG Diyos ang lahat ng uri ng puno na magagandang tingnan at may masasarap na bunga. Sa gitna ng halamanan ay may puno na nagbibigay ng buhay, at may puno rin doon na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama.
Mula sa Eden, may ilog na dumadaloy na siyang nagbibigay ng tubig sa halamanan. Nagsanga-sanga ito sa apat na ilog. Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Havila kung saan mayroong ginto. Sa lugar na iyon makikita ang purong ginto, ang mamahaling pabango na bediliyum, at ang mamahaling batong onise. Ang pangalan ng ikalawang ilog ay Gihon. Dumadaloy ito sa buong lupain ng Cus. Ang pangalan ng ikatlong ilog ay Tigris. Dumadaloy ito sa silangan ng Asiria. At ang ikaapat na ilog ay ang Eufrates.
Pinatira ng PANGINOONG Diyos sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya upang bungkalin ito at alagaan. At sinabi ng PANGINOONG Diyos sa tao, “Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan, maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama. Sapagkat sa oras na kainin mo ito, tiyak na mamamatay ka.”