Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Tayo at ang mga tauhan natin ay hindi dapat mag-away, dahil tayoʼy magkakamag-anak. Ang mabuti pa, maghiwalay na lang tayo dahil malawak pa ang lugar na maaaring pagpilian. Ikaw ang mamili kung aling bahagi ng lupain ang pipiliin mo. Kung kakaliwa ka, kakanan ako; kung kakanan ka, kakaliwa naman ako.” Tinanaw ni Lot ang buong paligid at nakita niya na ang Lambak ng Jordan hanggang sa Zoar ay sagana sa tubig, katulad ng halamanan ng PANGINOON at ng lupain ng Ehipto. (Nangyari ito noong hindi pa winasak ng PANGINOON ang Sodoma at Gomora.) Kaya pinili ni Lot ang buong Lambak ng Jordan sa dakong silangan. Sa ganoong paraan, naghiwalay sila ni Abram. Si Abram ay nagpaiwan sa Canaan habang si Lot naman ay naroon sa mga lungsod sa kapatagan. Nagtayo si Lot ng mga tolda malapit sa Sodoma. Ang mga tao sa Sodoma ay napakasama. Labis ang pagkakasala nila sa PANGINOON. Nang nakaalis na si Lot, sinabi ng PANGINOON kay Abram, “Mula sa kinatatayuan mo, tingnan mong mabuti ang buong palibot mo. Ang lahat ng lupaing maaabot ng iyong paningin ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga lahi, at magiging inyo ito magpakailanman. Pararamihin ko ang lahi mo na kasindami ng alikabok sa lupa. Ang alikabok ay hindi kayang bilangin, kaya ang mga lahi mo ay hindi rin mabibilang. Lumakad ka at ikutin ang buong lupain dahil ibibigay ko itong lahat sa iyo.” Kaya inilipat ni Abram ang kanyang tolda, at doon siya nanirahan malapit sa malalaking puno ni Mamre roon sa Hebron, at gumawa siya roon ng altar para sa PANGINOON.
Basahin Genesis 13
Makinig sa Genesis 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Genesis 13:8-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas