Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Galacia 5:1-14

Mga Taga-Galacia 5:1-14 ASD

Pinalaya tayo ni Kristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya ninyo at huwag na kayong magpaaliping muli. Tandaan ninyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Kristo para sa inyo. Inuulit ko na ang sinumang magpapatuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay kinakailangang sumunod sa buong Kautusan. Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan ay napalayo na kay Kristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Diyos. Ngunit sa tulong ng Espiritu, sabik kaming naghihintay na ituring kaming matuwid ng Diyos dahil sa aming pananampalataya. Sapagkat sa mga nakay Kristo Hesus, walang halaga ang pagiging tuli o hindi. Ang tanging mahalaga ay ang pananampalatayang nakikita sa pamamagitan ng pagmamahalan. Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan? Hindi maaaring ang Diyos ang pumigil sa inyo dahil siya ang tumawag sa inyo sa pananampalataya. Ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina. Umaasa ako sa Panginoon na hindi kayo magpapadala sa ibang pananaw. Parurusahan ng Diyos ang mga nanggugulo sa inyo, maging sino man sila. May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Kristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba. At sa mga nanggugulo naman sa inyo, hindi lang sana sila magpatuli kundi magpakapon na rin. Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Bersikulong Larawan para sa Mga Taga-Galacia 5:1-14

Mga Taga-Galacia 5:1-14 - Pinalaya tayo ni Kristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya ninyo at huwag na kayong magpaaliping muli.
Tandaan ninyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Kristo para sa inyo. Inuulit ko na ang sinumang magpapatuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay kinakailangang sumunod sa buong Kautusan. Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan ay napalayo na kay Kristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Diyos. Ngunit sa tulong ng Espiritu, sabik kaming naghihintay na ituring kaming matuwid ng Diyos dahil sa aming pananampalataya. Sapagkat sa mga nakay Kristo Hesus, walang halaga ang pagiging tuli o hindi. Ang tanging mahalaga ay ang pananampalatayang nakikita sa pamamagitan ng pagmamahalan.
Mabuti noon ang mga ginagawa ninyo. Sino ang pumigil sa inyo sa pagsunod sa katotohanan? Hindi maaaring ang Diyos ang pumigil sa inyo dahil siya ang tumawag sa inyo sa pananampalataya. Ang maling aral ay parang pampaalsa na kahit kaunti ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina. Umaasa ako sa Panginoon na hindi kayo magpapadala sa ibang pananaw. Parurusahan ng Diyos ang mga nanggugulo sa inyo, maging sino man sila.
May mga nagsasabing itinuturo ko raw na kailangan ang pagtutuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung totoo iyan, mga kapatid, bakit inuusig pa rin ako hanggang ngayon? At kung iyan nga ang itinuturo ko, walang kabuluhan ang mensahe tungkol sa kamatayan ni Kristo sa krus, ang mensaheng hindi matanggap ng iba. At sa mga nanggugulo naman sa inyo, hindi lang sana sila magpatuli kundi magpakapon na rin.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”Mga Taga-Galacia 5:1-14 - Pinalaya tayo ni Kristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya ninyo at huwag na kayong magpaaliping muli.

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan. Sapagkat ang buod ng buong Kautusan ay nasa isang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Galacia 5:1-14