Nang makita kong hindi na ayon sa katotohanan ng Magandang Balita ang ginagawa nila, pinagsabihan ko si Pedro sa harap ng lahat, “Bakit mo pinipilit ang mga Hentil na mamuhay na parang mga Hudyo? Ikaw nga mismo na isang Hudyo ay namumuhay na parang Hentil.” Kaming mga ipinanganak na Hudyo ay iba sa mga Hentil na itinuturing ng mga kapwa naming Hudyo na makasalanan. Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kami ay sumampalataya rin kay Kristo Hesus upang maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ngayon, kung lumalabas na makasalanan pa rin kami dahil nagsusumikap kaming maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya namin kay Kristo, ibig bang sabihin nito na si Kristo ang nagdala sa amin sa kasalanan? Hindi! Ngunit kung babalikan ko naman ang pagsunod sa Kautusang tinalikuran ko na, ako na rin ang nagpapatunay na makasalanan ako. Sa katunayan, sa pamamagitan mismo ng Kautusan, nalaman ko na wala nang kapangyarihan ang Kautusan sa akin. Kaya malaya na akong mamuhay para sa Diyos. Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.
Basahin Mga Taga-Galacia 2
Makinig sa Mga Taga-Galacia 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Galacia 2:14-20
20 Araw
“Sa pananampalataya lamang” tayo ay naligtas, hindi sa anumang bagay na ating ginagawa upang maging karapat-dapat sa kaloob ng kaligtasan - iyon ang malinaw at direktang mensahe ng liham sa mga taga-Galacia. Araw-araw na paglalakbay sa Galacia habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas