Ezekiel 36:25-29
Ezekiel 36:25-29 ASD
Wiwisikan ko kayo ng malinis na tubig nang maging malinis kayo sa lahat ng karumihan ninyo at hindi na kayo sasamba sa mga diyos-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu upang maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin. Titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Magiging mga mamamayan ko kayo at magiging Diyos ninyo ako. Lilinisin ko kayo sa lahat ng inyong karumihan. Bibigyan ko kayo ng napakaraming butil at hindi na kayo magugutom.





