Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ezekiel 15

15
Ang Jerusalem ay Parang Sanga ng Ubas na Walang Kabuluhan
1Sinabi sa akin ng Panginoon, 2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy? 3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan? 4Hindi! Pwede lang itong panggatong; ganoon pa man madali itong matupok. 5Kaya wala talaga itong kabuluhan, sunog man o hindi pa.
6“Ngayon, ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila. 7Oo, parurusahan ko sila at kahit na makatakas sila sa apoy, tutupukin pa rin sila ng isa pang apoy. At malalaman nila na ako ang Panginoon. 8Gagawin kong mapanglaw ang lugar nila dahil nagtaksil sila sa akin. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”

Kasalukuyang Napili:

Ezekiel 15: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya