Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ezekiel 15

15
Jerusalem, ang Walang Kabuluhang Sanga ng Ubas
1Sinabi sa akin ng Panginoon, 2“Anak ng tao, sa anong paraan nakakahigit ang sanga ng ubas sa ibang punongkahoy? 3Ang mga sanga ba nito ay magagamit sa iba pang mga bagay? Maaari ba itong gawing sabitan? 4Hindi! Maaari lang itong gamiting panggatong; ganoon pa man madali itong matutupok. 5Hindi na nila ito magamit noong itoʼy buo pa, mas lalo na ngayong ito sinunog na ng apoy.
6“Ngayon, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ay nagsasabi na ang mga mamamayan ng Jerusalem ay tulad ng baging ng ubas na tumutubong kasama ng mga punongkahoy sa kagubatan. Dahil itoʼy walang kabuluhan, susunugin ko sila. 7Oo, parurusahan ko sila at kahit na makatakas sila sa apoy, tutupukin pa rin sila ng isa pang apoy. At malalaman nila na ako ang Panginoon. 8Gagawin kong tiwangwang ang lugar nila dahil nagtaksil sila sa akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Kasalukuyang Napili:

Ezekiel 15: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in