Pagkatapos, sabihin mo sa kanya, ‘Sinabi ng PANGINOON na: Itinuturing ko ang Israel na panganay kong anak na lalaki, kaya iniuutos ko sa iyo na payagan mo silang umalis upang makasamba sa akin, pero hindi ka pumayag. Kaya papatayin ko ang panganay mong na anak na lalaki!’ ” Nang naglalakbay na sina Moises at ang kanyang pamilya, nagpahinga sila sa isang bahay-pahingahan. Pinuntahan ng PANGINOON si Moises at pinagtangkaang patayin. Ngunit kumuha si Zipora ng matalim na batong gawa sa bato at tinuli ang kanyang anak, at idinikit niya sa paa ni Moises ang naputol na balat. At sinabi niya, “Totoong ikaw ay asawa ko na sa dugo.” (Ang sinabi niya ay may kaugnayan sa dugo ng pagtutuli.) Kaya hindi pinatay ng PANGINOON si Moises. Samantala, sinabi ng PANGINOON kay Aaron, “Lumakad ka at salubungin si Moises sa disyerto.” Kaya sinalubong niya si Moises sa Bundok ng Diyos at hinagkan bilang pagbati. Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng iniutos ng PANGINOON na sabihin niya, at ang lahat ng himalang iniutos ng PANGINOON na gawin niya. Kaya lumakad ang dalawa, at tinipon ang lahat ng pinuno ng Israel. Sinabi sa kanila ni Aaron ang lahat ng sinabi ng PANGINOON kay Moises. At ginawa ni Moises ang mga himala sa harap ng mga tao, at naniwala sila. Nang malaman nilang nagmamalasakit ang PANGINOON sa kanila at nakikita niya ang mga pagdurusa nila, lumuhod sila at sumamba sa PANGINOON.
Basahin Exodus 4
Makinig sa Exodus 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 4:22-31
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas