Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 20:1-5

Exodus 20:1-5 ASD

Sinabi ng PANGINOON: “Ako ang PANGINOON na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto kung saan kayo inalipin. “Huwag kayong sasamba sa ibang diyos maliban sa akin. Huwag kayong gagawa ng imahen ng anumang bagay sa langit, o sa lupa, o sa tubig, para gawing diyos-diyosan ninyo. Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang PANGINOON na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.