Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 5:1-8

Ester 5:1-8 ASD

Nang ikatlong araw, isinuot ni Ester ang kasuotan niyang pangreyna, at tumayo sa bulwagan ng palasyo na nakaharap sa trono ng hari. Nakaupo noon ang hari sa trono niya at nakaharap siya sa pintuan. Nang makita niya si Reyna Ester, natuwa siya at iniabot niya rito ang kanyang gintong setro. Kaya lumapit si Ester at hinipo ang dulo ng setro. Nagtanong ang hari sa kanya, “Ano ang kailangan mo Mahal na Reyna? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng aking kaharian.” Sumagot si Ester, “Mahal na Hari, kung ibig po ninyo, inaanyayahan ko po kayo at si Haman sa piging na ihahanda ko para sa inyo.” Sinabi ng hari sa mga alipin niya, “Tawagin ninyo si Haman para masunod namin ang kahilingan ni Ester.” Kaya pumunta agad ang hari at si Haman sa hapunang inihanda ni Ester. At habang nag-iinuman sila, tinanong ng hari si Ester, “Ano ba talaga ang kailangan mo? Sabihin mo na dahil ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng kaharian ko.” Sumagot si Ester, “Ito po ang kahilingan ko, kung mamarapatin po ninyo at gusto ninyong ibigay ang kahilingan ko, minsan ko pa po kayong inaanyayahan at si Haman sa hapunan na ihahanda ko para sa inyo bukas. At saka ko po sasabihin ang kahilingan ko sa inyo.”