Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 3:12-15

Ester 3:12-15 ASD

Kaya noong ikalabintatlong araw ng unang buwan, ipinatawag ni Haman ang lahat ng kalihim ng hari. Nagpagawa siya ng sulat sa kanila para sa mga gobernador ng mga lalawigan, mga pinuno ng mga bayan at sa iba pang mga pinuno sa buong kaharian, sa kanilang sariling wika. Ang sulat ay ginawa sa pangalan ni Haring Asuero at tinatakan ng singsing nito. Ang sulat na iyon ay ipinadala sa lahat ng lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng mga mensahero. Nakasulat dito ang utos na sa loob lang ng isang araw ay papatayin ang lahat ng Hudyo: bata, matanda, lalaki at babae, at sasamsamin ang lahat ng ari-arian nila. Gagawin ito sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar. Ang kopya nitoʼy ipapatupad bilang batas sa bawat lalawigan. Ipapaalam ito sa mga tao para makapaghanda sila sa araw na iyon. Sa utos ng hari, mabilis na nagsialis ang mga mensahero para ihatid ang kautusan, at itoʼy ipinaalam din sa lungsod ng Susa. Habang nakaupo at nag-iinuman ang hari at si Haman, nagkakagulo naman ang lungsod ng Susa dahil sa mga nangyayari.