Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 2:7-11

Ester 2:7-11 ASD

Si Mordecai ay may pinsang dalaga. Nang itoʼy maulila, inalagaan niya ito, pinalaki at itinuring na parang sarili niyang anak. Ang pangalan niya ay Hadasa na tinatawag ding Ester. Maganda si Ester at maganda rin ang hubog ng katawan nito. Nang maihayag ang utos ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng hari roon sa Susa. Ang isa sa kanila ay si Ester. Ipinaasikaso sila kay Hegai dahil ito nga ang nangangasiwa sa mga babaeng dinadala roon. Tuwang-tuwa si Hegai kay Ester, kaya mabuti ang pakikitungo niya rito. Agad niyang binigyan si Ester ng mga pampaganda at ng espesyal na pagkain. Binigyan niya rin ito ng pitong piling katulong na babae na galing sa palasyo, at inilipat sa pinakamagandang kuwarto kasama sila. Hindi sinabi ni Ester kung anong lahi o sambahayan siya kabilang dahil pinagbilinan siya ni Mordecai na huwag itong sasabihin. Araw-araw namang dumaraan si Mordecai malapit sa bakuran ng bahay na tinitirhan ng mga dalaga para malaman ang kalagayan ni Ester at kung ano na ang mga nangyayari sa kanya.