Ester 10
10
Ang Kadakilaan ni Haring Asuero at Mordecai
1Pinagbayad ni Haring Asuero ng buwis ang lahat ng mamamayan sa buong kaharian niya, pati na ang nakatira sa mga isla.#10:1 isla: O lugar malapit sa dagat o malalayong lugar. 2Ang kapangyarihan ni Haring Asuero at ang lahat ng ginawa niya, pati na ang pagtataas niya ng katungkulan kay Mordecai at ang malaking karangalang ibinigay niya rito ay nakasulat lahat sa Aklat ng Kasaysayan ng hari ng Media at Persia. 3Si Mordecai ay pangalawa kay Haring Asuero. Tanyag siya sa mga kapwa niya Hudyo, at iginagalang nila dahil ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng mga kalahi niyang Hudyo, at siya ang tagapamagitan kapag mayroon silang kahilingan.
Kasalukuyang Napili:
Ester 10: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.