Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangangaral 7:15-18

Mangangaral 7:15-18 ASD

Sa buhay kong walang saysay, nakita ko ang mga ito: Ang matuwid ay maagang namamatay sa kabila ng kanilang matuwid na pamumuhay, at ang mga masasama sa kabila ng kanilang kasamaan ay nabubuhay nang matagal. Huwag mong ituring ang iyong sarili na sobrang matuwid at marunong, dahil kung gagawin mo iyon, sinisira mo lang ang iyong sarili. At huwag ka rin namang magpakasama o magpakamangmang, dahil baka mamatay ka naman nang wala sa oras. Bigyang-halaga ang mga katuruang ito, sapagkat ang sinumang may takot sa Diyos ay susunod sa parehong katuruan.