Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangangaral 2:24-26

Mangangaral 2:24-26 ASD

Ang pinakamagandang gawin ng tao ay kumain, uminom at pakinabangan ang mga pinaghirapan niya. Nalaman ko na galing ito sa Diyos, dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Diyos? Dahil ang taong nagbibigay-lugod sa Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. At ang makasalanan ay binibigyan ng Diyos ng trabaho upang mag-ipon ng kayamanan para ibigay sa taong nagbibigay-lugod sa Diyos. Kaya lahat ng pagsisikap ng makasalanan ay walang kabuluhan. Para siyang humahabol sa hangin.