Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mangangaral 11

11
Ang Gawain ng Taong Marunong
1Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo
at sa kalaunan ay kikita ka.#11:1 Ipuhunan … ka: O Bukás-palad kang magbigay at hindi magtatagal ikaw din ay magkakaroon.
2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang#11:2 ibaʼt ibang: Sa literal, pito o walo. negosyo,#11:2 Ilagay … negosyo: O Magbigay ka sa maraming tao.
dahil hindi mo alam kung anong kalamidad
ang darating dito sa mundo.
3Kapag makapal na ang ulap,
magbubuhos ito ng ulan sa mundo.
At kung saan natumba ang puno,
doon iyon mananatili.#11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao.
4Kung palagi ka lang maghihintay
ng magandang panahon,
hindi ka makakapagtanim
at wala kang aanihin.
5Kung paanong hindi mo nalalaman
ang direksyon ng hangin
o kung paano lumalaki ang sanggol
sa sinapupunan ng kanyang ina,
hindi mo rin maiintindihan
ang gawa ng Diyos,
ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
6Maghasik ka ng binhi
sa umaga hanggang gabi,
dahil hindi mo alam
kung alin sa itinanim mo ang tutubo,
o kung lahat ito ay tutubo.
Alalahanin Mo ang Iyong Manlilikha
7Ang liwanag ay napakatamis,
at nakalulugod sa mata
na makita ang araw.
8Kaya sa buong buhay mo
ay maging masaya ka,
gaano man ito kahaba.
Ngunit, alalahanin mong
darating ang kamatayan
at magtatagal iyon.
Lahat ng mangyayari
ay walang kabuluhan.
9Kayong mga kabataan, magsaya kayo
habang kayoʼy bata pa.
Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,
pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos
ayon sa inyong mga ginawa.
10Huwag kayong mag-alala o mabalisa man
dahil ang panahon ng kabataan
ay lumilipas lang.

Kasalukuyang Napili:

Mangangaral 11: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in