Dapat ninyong ibukod ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ng inyong bukid bawat taon. Dalhin ninyo ang ikasampung bahagi ng trigo, bagong alak at langis, at ang panganay ng inyong mga hayop sa lugar na pipiliin ng PANGINOON na inyong Diyos, kung saan pararangalan siya. Doon ninyo ito dalhin sa kanyang presensya. Gawin ninyo ito para matuto kayo na laging gumalang sa PANGINOON na inyong Diyos.
Basahin Deuteronomio 14
Makinig sa Deuteronomio 14
Ibahagi
Sa pagtatapos ng bawat tatlong taon, tipunin ninyo ang ikasampung bahagi inyong ng ani sa taong iyon, at dalhin ninyo ito sa pinagtataguan nito sa mga bayan ninyo. Ibigay ninyo ito sa mga Levita na walang minanang lupa, sa mga dayuhan na naninirahang kasama ninyo, sa mga ulila at sa mga biyuda sa bayan ninyo upang makakain din sila at mabusog. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ng PANGINOON na inyong Diyos sa lahat ng ginagawa ninyo.
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 14:22-23, 28-29
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas