Daniel 7:24-28
Daniel 7:24-28 ASD
Ang sampung sungay ay ang sampung hari na maghahari sa kahariang iyon. Papalit sa kanila ang isang hari na iba kaysa sa kanila at ibabagsak niya ang tatlong hari. Magsasalita siya laban sa Kataas-taasang Diyos, at uusigin niya ang mga banal ng Diyos. Sisikapin niyang baguhin ang mga pista at Kautusan. Ipapasakop sa kanya ang mga banal ng Diyos sa loob ng tatloʼt kalahating taon. “ ‘Ngunit hahatulan siya, kukunin ang kanyang kapangyarihan, at lilipulin nang lubos. At pagkatapos ay ibibigay sa banal na mga mamamayan ng Kataas-taasang Diyos ang pamamahala at kapangyarihan sa mga kaharian ng buong mundo. Kaya maghahari sila magpakailanman, at ang lahat ng kaharian ay magpapasakop sa kanila.’ “Iyon ang panaginip ko. Akong si Daniel, ay nabagabag at namutla sa takot. Ngunit hindi ko ito sinabi kahit kanino.”


