Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Daniel 2:41-43

Daniel 2:41-43 ASD

Ang mga paa na yari sa bakal at luwad na nakita mo ay nangangahulugan na ang kahariang ito ay mahahati. Ngunit mananatili itong malakas, dahil nakita mo na may halong bakal ang luwad. Dahil ang mga daliri ng paa ay yari sa bakal at luwad, itoʼy nangangahulugan na ang kahariang ito ay may bahaging matibay at may bahaging mahina. Kung paanong nakita mo na pinaghalo ang bakal at luwad, ganoon ding paghahaluin ang mga lahi sa pamamagitan ng pag-aasawa. Ngunit hindi sila magkakaisa, katulad ng bakal at luwad na hindi maaaring paghaluin.