Amos 7:12-15
Amos 7:12-15 ASD
Sinabi ni Amazia kay Amos, “Ikaw na propeta, umalis ka rito at bumalik sa Juda. Doon mo gawin ang iyong hanapbuhay bilang propeta. Huwag ka nang magpahayag ng mensahe ng Diyos dito sa Betel, sapagkat nandito ang templong sinasambahan ng hari, ang templo ng kanyang kaharian.” Sumagot si Amos kay Amazia, “Hindi ako propeta noon at hindi rin ako tagasunod ng isang propeta. Pastol ako ng tupa at nag-aalaga rin ng mga punongkahoy ng sikomoro. Ngunit sinabi sa akin ng PANGINOON na iwan ko ang aking trabaho bilang pastol ng kawan at ipahayag ko ang kanyang mensahe sa inyo na mga taga-Israel na kanyang mamamayan.


