Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 28:3-5

Mga Gawa 28:3-5 ASD

Kumuha si Pablo ng isang bigkis ng kahoy na panggatong. Ngunit nang mailagay na niya ang mga kahoy sa apoy, may makamandag na ahas na biglang lumabas dahil sa init ng apoy, at tinuklaw ang kanyang kamay. Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng diyosa ng katarungan na mabuhay pa siya.” Ngunit ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at walang masamang nangyari sa kanya.