Mga Gawa 20:18-21
Mga Gawa 20:18-21 ASD
Pagdating nila, sinabi ni Pablo sa kanila, “Alam ninyo kung paano akong namuhay noong kasama pa ninyo ako, mula sa unang araw pa lang nang pagdating ko sa lalawigan ng Asia. Naglingkod ako sa Panginoon nang may pagpapakumbaba at pagluha sa gitna ng matinding pagsubok mula sa plano ng mga kalaban kong Hudyo. Alam din ninyong wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikakabuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay. Pinaalalahanan ko ang mga Hudyo at mga Hentil na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, at sumampalataya sa ating Panginoong Hesus.”



