Ngayon, isinugo ng PANGINOON si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap. Ang mayaman ay maraming tupa at baka, subalit ang mahirap ay walang ibang pagmamay-ari maliban sa isang tupang nabili niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng kanyang pagkain at pinapainom sa kanyang baso at kinakarga-karga pa sa kanyang braso para makatulog. Para na itong anak niyang babae. “Minsan, may dumating na bisita sa bahay ng mayaman, ngunit ayaw niyang katayin ang baka o tupa niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda niya para sa bisita niya.” Labis na nagalit si David sa mayaman at sinabi niya kay Natan, “Isinusumpa ko sa PANGINOON na buháy, na dapat patayin ang taong gumawa niyan. Dapat niyang bayaran ng hanggang apat na beses ang halaga ng isang tupang kanyang kinuha dahil wala siyang awa.” Pagkatapos, sinabi ni Natan kay David, “Ikaw ang taong iyon! Ito ang sinasabi ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel: ‘Pinili kitang hari ng Israel at iniligtas kita kay Saul. Ibinigay ko sa iyo ang kaharian at mga asawa niya. Ginawa kitang hari ng buong Israel at Juda. At kung kulang pa ito, bibigyan pa sana kita nang mas marami pa riyan. Pero bakit hindi mo sinunod ang mga utos ko, at ginawa mo ang masamang bagay na ito sa paningin ko? Ipinapatay mo si Urias na Heteo sa labanan; ipinapatay mo siya sa mga Amonita, at kinuha mo ang asawa niya.
Basahin 2 Samuel 12
Makinig sa 2 Samuel 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Samuel 12:1-9
12 Days
Conversations With God is a joyous immersion into a more intimate prayer life, emphasizing practical ways to hear God's voice. God wants us to enjoy a running conversation with Him all of our lives—a conversation that makes all the difference in direction, relationships, and purpose. This plan is filled with transparent, personal stories about the reaching heart of God. He loves us!
15 Days
We want to encourage you into a thoughtful, daily, heart-to-heart relationship with God. Millions of readers around the world have turned to the daily devotional, Our Daily Bread for moments of quiet reflection. In just a few minutes each day, the inspiring, life-changing stories point you toward your heavenly Father and the wisdom and promises of His unchanging Word.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas