Sapagkat ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian o sa hangaring mandaya o manloko. Bagkus, sinubok kami ng Diyos at napatunayan kaming mapagkakatiwalaan. Hinirang niya kami upang ipahayag ang Magandang Balita at sa dahilan lamang na ito kamiʼy nangangaral. Ginagawa namin ito hindi upang bigyang-lugod ang tao, kundi ang Diyos na patuloy na sumisiyasat sa aming mga puso. Kahit minsan ay hindi namin kayo ginamitan ng mabulaklak na pananalita. Ang Diyos ang aming saksi na hindi kami nagpanggap na kaibigan ninyo upang makuha ang inyong pera. Hindi namin hinangad ang papuri ng tao, mula man sa inyo o sa iba, kahit puwede naming ipagpilitan ang karapatan namin bilang mga apostol ni Kristo. Sa halip, naging maaruga kami sa inyo tulad ng isang mapagkalingang ina sa mga anak niya. At dahil sa laki ng pagmamalasakit namin sa inyo, natutuwa kaming ibahagi sa inyo hindi lamang ang Magandang Balita ng Diyos kundi pati na rin ang aming buhay, sapagkat napamahal na kayo sa amin.
Basahin 1 Mga Taga-Tesalonica 2
Makinig sa 1 Mga Taga-Tesalonica 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Taga-Tesalonica 2:3-8
14 Araw
“Narinig mo ba na babalik si Jesus?”—iyan ang paalala sa unang liham na ito sa mga taga-Tesalonica, na humahamon sa lahat na “magpakahusay pa” sa pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Tesalonica habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas