1 Pedro 2:8-9
1 Pedro 2:8-9 ASD
“Ang batong ito ang dahilan na matitisod ang mga tao at madadapa sila dahil dito.” Natitisod sila dahil ayaw nilang sundin ang salita ng Diyos; ganoon ang nakatalaga para sa kanila. Ngunit kayoʼy bayang hinirang, mga maharlikang pari, at mga mamamayan ng Diyos. Pinili kayo ng Diyos na maging kanya upang ipahayag ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kahanga-hanga niyang kaliwanagan.





