Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Corinto 8

8
Tungkol sa mga Pagkain na Inialay sa mga Diyos-diyosan
1Ngayon, tungkol naman sa tanong ninyo hinggil sa mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan: Alam nating “may kaalaman tayong lahat” tungkol dito. Ngunit kung ang kaalamang ito ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, ang pag-ibig naman ang nagpapatatag sa iglesya. 2Ang taong nag-aakala na marami na siyang alam ay kulang pa rin talaga sa kaalaman. 3Ngunit ang taong nagmamahal sa Diyos ay siyang kinikilala ng Diyos na kanya.
4Kaya kung tungkol sa mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan, alam natin na ang mga diyos-diyosang itoʼy hindi totoong diyos, dahil iisa lamang ang Diyos. 5At kahit na sinasabi ng iba na may mga diyos sa langit at sa lupa, at marami ang mga tinatawag na mga diyos at mga panginoon, 6para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang ating Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at nabubuhay tayo para sa kanya. At may iisang Panginoon lamang, si Hesu-Kristo. Sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo ngayon.
7Ngunit may mga mananampalataya na hindi pa nakakaunawa nito. Ang iba sa kanilaʼy sumasamba noon sa mga diyos-diyosan, kaya hanggang ngayon, kapag kumakain sila ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan, iniisip nila na kasama rin silang sumasamba sa mga ito. At dahil mahina ang kanilang konsensiya#8:7 mahina ang kanilang konsensiya: Ang ibig sabihin, “kulang ang pang-unawa nila sa kung ano ang tama at mali.”, akala nilaʼy nagkakasala sila. 8Sapagkat ang pagkain ay hindi maglalapit sa atin sa Diyos. Walang mawawala sa atin kung hindi tayo kakain, at wala rin naman tayong mapapala kung kumain tayo.
9Ngunit kahit na malaya kayong kumain ng kahit ano, mag-ingat kayo dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkakasala ng mga mahihina ang konsensiya. 10Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan? 11Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo. 12Kung nagkasala ka sa iba sa ganitong paraan at sinugatan mo ang mahihina nilang konsensiya, nagkasala ka rin kay Kristo. 13Kaya kung ang kinakain ko ay nagiging dahilan ng pagkakasala ng aking kapatid, hindi na lamang ako kakain nito kailanman, upang hindi magkasala ang aking kapatid.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Taga-Corinto 8: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in