9
1Nailista ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga lahi sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. Ang mga mamamayan ng Juda ay binihag sa Babilonia dahil hindi sila naging tapat sa Panginoon.
Ang mga Naunang Nanirahan sa Jerusalem
2Ang unang nakabalik sa kanilang mga bayan sa sariling lupain ay ang mga karaniwang Israelita, mga pari, mga Levita, at mga tagapaglingkod sa Templo.#9:2 Templo: Sa Hebreo, tolda. 3Ito ang mga lahi nina Juda, Benjamin, Efraim at Manases na nakabalik at tumira sa Jerusalem:
4Si Utai na anak ni Amihud (si Amihud ay anak ni Omri; si Omri ay anak ni Imri; si Imri ay anak ni Bani na mula sa angkan ni Peres na anak ni Juda).
5Sa mga Silonita: si Asaias (ang panganay) at ang kanyang mga anak na lalaki.
6Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel.
Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.
7Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesulam (si Mesulam ay anak ni Hodavias; si Hodavias ay anak ni Asenua), 8si Ibnias na anak ni Jeroham, si Ela na anak ni Uzi (si Uzi ay anak ni Micri), at si Mesulam na anak ni Sefatias (si Sefatias ay anak ni Reuel; si Reuel ay anak ni Ibnias).
9Silang lahat ang pinuno ng kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Benjamin, ang lahat ng nakabalik na lalaki ay 956 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
10Sa mga pari: sina Jedaias, Joiarib at Jaquin. 11Si Azarias na pinakamataas na opisyal sa bahay ng Diyos na anak ni Hilkias; si Hilkias ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Sadoc; si Sadoc ay anak ni Meraiot; si Meraiot ay anak ni Ahitob,
12si Adaya na anak ni Jeroham (si Jeroham ay anak ni Pashur; si Pashur ay anak ni Malquias), at si Masai na anak ni Adiel (si Adiel ay anak ni Jazera; si Jezera ay anak ni Mesulam; si Mesulam ay anak ni Mesilemit; si Mesilemit ay anak ni Imer).
13Ang mga paring nakabalik ay 1,760 lahat. Mahuhusay silang pinuno ng kanilang mga pamilya. Sila ang mga pinagkatiwalaan sa paglilingkod sa bahay ng Diyos.
14Sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub (si Hasub ay anak ni Azrikam; si Azrikam ay anak ni Hashabias na mula sa angkan ni Merari), 15si Bacbacar, si Heres, si Galal, si Matanias na anak ni Mica (si Mica ay anak ni Zicri; si Zicri ay anak ni Asaf). 16Si Obadias na anak ni Semaias (si Semaias ay anak ni Galal; si Galal ay anak ni Jedutun), at si Berequias na anak ni Asa at apo ni Elcana, na tumira sa baryo ng mga Netofatita.
17Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay sina Salum, Akub, Talmon, Ahiman, at ang kanilang mga kamag-anak. Si Salum ang kanilang pinuno. 18Hanggang ngayon, sila pa rin ang tagapagbantay ng Pintuan ng Hari sa bandang silangan. Sila noon ang mga tagapagbantay ng pintuang papasok sa kampo ng mga Levita. 19Si Salum ay anak ni Kore at apo ni Ebiasaf, na mula sa pamilya ni Kora. Si Salum at ang kanyang mga kamag-anak na mula sa angkan ni Kora ang pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng Tabernakulo katulad ng kanilang mga ninuno na pinagkatiwalaan sa pagbabantay ng pintuan ng bahay#9:19 bahay: Sa literal, kampo. ng Panginoon.
20Si Finehas na anak ni Eleazar ang namamahala noon sa mga tagapagbantay ng pintuan, at sinamahan siya ng Panginoon. 21Si Zacarias na anak ni Meselemias ay naging tagapagbantay rin ng Toldang Tipanan.
22Ang mga tagapagbantay ng pintuan ay 212 lahat, at itinala sila ayon sa talaan ng mga angkan nila sa kanilang bayan. Ang nagbigay ng tungkulin sa kanilang mga ninuno bilang mga tagapagbantay ng pintuan dahil maaasahan sila ay sina David at Propeta Samuel. 23Sila at ang kanilang mga angkan ang pinagkakatiwalaang magbantay sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon – na tinatawag ding Tolda. 24Nagbabantay sila sa apat na sulok: sa silangan, kanluran, hilaga at timog. 25Kung minsan ang mga kamag-anak nilang nakatira sa mga bayan ang pumapalit sa kanila na magbantay sa loob ng pitong araw.
26Ngunit ang apat na pinuno ng mga tagapagbantay ng mga pintuan na mula sa mga Levita, ang siyang pinagkatiwalaan ng mga kuwarto at mga bodega ng bahay ng Diyos. 27Nagpupuyat sila sa pagbabantay sa paligid ng bahay ng Diyos dahil kailangan nila itong bantayan at sila ang tagabukas ng pinto tuwing umaga.
28Ang iba sa kanilaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng mga gamit sa pagsamba. Binibilang nila ito bago at pagkatapos gamitin. 29Ang ibaʼy pinagkatiwalaan sa pag-aasikaso ng iba pang mga gamit sa santuwaryo gaya ng harina, alak, langis, insenso at mga pampalasa. 30Ngunit katungkulan ng mga pari ang pagtitimpla ng mga pampalasa. 31Si Matitias na Levita, at panganay na anak ni Salum na mula sa angkan ni Kora, ang pinagkatiwalaan sa pagluluto ng tinapay na inihahandog. 32Ang ibang angkan ni Kohat ang pinagkatiwalaan sa paghahanda at paglalagay ng mga tinapay sa mesa tuwing Araw ng Pamamahinga.
33Ang mga musikero sa Templo na mga pinuno rin ng mga pamilyang Levita ay doon na rin tumira sa mga silid sa Templo. At wala na silang iba pang gawain, dahil ginagawa nila ito araw at gabi.
34Silang lahat ang pinuno ng mga pamilyang Levita, nailista sila sa talaan ng kanilang lahi. Tumira sila sa Jerusalem.
Ang Angkan ni Saul
(1~Cro. 8:29‑38)
35Si Jeiel na ama ni#9:35 ama ni: O pinuno o nagtatag ng. Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca. 36Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Sur, Kish, Baal, Ner, Nadab, 37Gedor, Ahio, Zacarias at Miclot 38na ama ni Simeam. Tumira sila malapit sa mga kamag-anak nila sa Jerusalem.
39Si Ner ang ama ni Kish, at si Kish ang ama ni Saul, at si Saul naman ang ama nina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
40Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal#9:40 Merib-baal: siya rin si Mefiboset. na ama ni Mica.
41Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz#9:41 Ahaz: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa tekstong Syriac at Latin Vulgate. Ganito rin sa 8:35.. 42Si Ahaz ang ama ni Jara,#9:42 Jara: O Jara. at si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri, at si Zimri ang ama ni Moza. 43Si Moza ang ama ni Binea, ang anak ni Binea ay si Refaya, at ang anak ni Refaya ay si Elasa, at ang anak ni Elasa ay si Azel.
44Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.