8
Ang Lahi ni Benjamin
1Ito ang mga lalaking anak ni Benjamin mula sa panganay hanggang sa pinakabata: Bela, Asbel, Ahara, 2Noha at Rafa.
3Ang mga lalaking anak ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,#8:3 Abihud: O Gera, na ama ni Ehud. 4Abisua, Naaman, Ahoa, 5Gera, Sefufan at Huram.
6Ang mga angkan ni Ehud na pinuno ng kanilang mga pamilya ay pinaalis sa Geba at lumipat sa Manahat: 7Sila ay sina Naaman, Ahias, at Gera. Si Gera na ama nina Uza at Ahihud ang nanguna sa paglipat nila.
8Hiniwalayan ni Saaraim ang mga asawa niyang sina Husim at Baara. Kinalaunan, tumira siya sa Moab, at nagkaanak siya 9sa asawa niyang si Hodes. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Jobab, Sibia, Mesa, Malcam, 10Jeuz, Sachia at Mirma. Naging pinuno sila ng kanilang mga pamilya.
11May anak ding lalaki si Saaraim sa asawa niyang si Husim. Silaʼy sina Abitob at Elpaal. 12Ang mga lalaking anak ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Semed (na nagtatag ng mga bayan ng Ono at Lod, at ng mga baryo sa paligid nito), 13at sina Beria at Sema. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Ayalon. Sila rin ang nagpaalis sa mga naninirahan sa Gat.
14Ang mga lalaking anak ni Beria ay sina Ahio, Sasac, Jeremot, 15Zebadias, Arad, Ader, 16Micael, Ispa at Joha.
17Ang mga lalaking anak ni Elpaal ay sina Zebadias, Mesulam, Hizki, Heber, 18Ismerai, Izlia at Jobab.
19Ang mga lalaking anak ni Simei ay sina Jaquim, Zicri, Zabdi, 20Elienai, Ziletai, Eliel, 21Adaya, Beraya at Simrat.
22Ang mga lalaking anak ni Sasac ay sina Ispan, Eber, Eliel, 23Abdon, Zicri, Hanan, 24Hananias, Elam, Antotias, 25Ifdaya at Penuel.
26Ang mga lalaking anak ni Jeroham ay sina Samserai, Seharia, Atalia, 27Jaaresias, Elias at Zicri.
28Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.
29Si Jeiel#8:29 Jeiel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint. na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca. 30Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Sur, Kish, Baal, Ner,#8:30 Ner: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint. Nadab, 31Gedor, Ahio, Zequer,#8:31 Zequer: O Zacarias. 32at Miclot na ama ni Simea.#8:32 Simea: O Simeam. Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.
33Si Ner ang ama ni Kish.
Si Kish ang ama ni Saul.
Si Saul ang ama ni Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.#8:33 Esbaal: Siya rin si Isboset.
34Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal#8:34 Merib-baal: Siya rin si Mefiboset. na ama ni Mica.
35Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
36Si Ahaz ang ama ni Joada.#8:36 Joada: O Jara.
Si Joada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri.
Si Zimri ang ama ni Moza.
37Si Moza ang ama ni Binea.
Ang anak ni Binea ay si Rafa.#8:37 Rafa: O Refaya.
Si Rafa ang ama ni Elasa.
Si Elasa ang ama ni Azel.
38Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
39Ang mga lalaking anak ng kapatid ni Azel na si Esec ay sina Ulam (ang panganay), Jeus (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo). 40Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo na umabot sa isang daan at limampu lahat.
Silang lahat ang lahi ni Benjamin.