6
Ang Lahi ni Levi na mga Pari
1Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
2Ang mga lalaking anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
3Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam.
Ang mga lalaking anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
4Si Eleazar ay ama ni Finehas na siyang ama ni Abisua.
5Si Abisua ay ama ni Buki na siyang ama ni Uzi.
6Si Uzi ay ama ni Zeraias na siyang ama ni Meraiot.
7Si Meraiot ay ama ni Amarias na siyang ama ni Ahitob.
8Si Ahitob ay ama ni Sadoc na siyang ama ni Ahimaaz.
9Si Ahimaaz ay ama ni Azarias na siyang ama ni Johanan.
10Si Johanan ay ama ni Azarias na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang Templo sa Jerusalem.
11Si Azarias ay ama ni Amarias na siyang ama ni Ahitob.
12Si Ahitob ay ama ni Sadoc na siyang ama ni Salum.
13Si Salum ay ama ni Hilkias na siyang ama ni Azarias.
14Si Azarias ay ama ni Seraias.
Si Seraias naman ang ama ni Josadac. 15Si Josadac ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
Ang Iba pang Lahi ni Levi
16Ang mga lalaking anak ni Levi ay sina Gerson, Kohat at Merari.
17Ang mga lalaking anak ni Gerson ay sina Libni at Simei.
18Ang mga lalaking anak ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
19Ang mga lalaking anak ni Merari ay sina Mahli at Musi.
Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20Sa angkan ni Gerson ay sina Libni, Jahat, Zima, 21Joah, Ido, Zara at Jeatrai.
22Sa mga angkan ni Kohat ay sina Aminadab, Kora, Asir, 23Elcana, Ebiasaf,#6:23 Ebiasaf: O Abiasaf. Asir, 24Tahat, Uriel, Uzias at Shaul.
25Sa mga angkan ni Elcana ay sina Amasai, Ahimot, 26Elcana, Zofai, Nahat, 27Eliab, Jeroham, Elcana at Samuel.#6:27 Samuel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint at sa Syriac.
28Ang mga lalaking anak ni Samuel ay si Joel#6:28 Joel: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang mga tekstong Septuagint at sa Syriac. Tingnan sa 1 Sam. 8:2. na panganay at ang pangalawang si Abias.
29Sa mga angkan ni Merari ay sina Mahli, Libni, Simei, Uza, 30Simea, Hagia at Asaias.
Ang mga Musikero na Levita
31Ito ang mga taong itinalaga ni David upang mamahala sa musika sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan. 32Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Tabernakulo na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahong naipatayo ni Solomon ang Templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila. 33Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:
Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elcana. 34Si Elcana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toah. 35Si Toah ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai. 36Si Amasai ay anak ni Elcana. Si Elcana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azarias. Si Azarias ay anak ni Zefanias. 37Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora. 38Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)
39Si Asaf na mula sa angkan ni Gerson. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berequias. Si Berequias ay anak ni Simea. 40Si Simea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseias. Si Baaseias ay anak ni Malquias. 41Si Malquias ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaias. 42Si Adaias ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Simei. 43Si Simei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gerson. Si Gerson ay anak ni Levi.)
44Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Quisi. Si Quisi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc. 45Si Maluc ay anak ni Hashabias. Si Hashabias ay anak ni Amazias. Si Amazias ay anak ni Hilkias. 46Si Hilkias ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Semer. 47Si Semer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Musi. Si Musi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)
48Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Tabernakulo, ang bahay ng Diyos.
49Ngunit si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
50Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abisua, 51Buki, Uzi, Zeraias, 52Meraiot, Amarias, Ahitob, 53Sadoc, at Ahimaaz.
Ang mga Lupain ng Lahi ni Levi
54Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56Ngunit ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng lungsod ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58Hilen,#6:58 Hilen: O Holon. Debir, 59Asan,#6:59 Asan: O Ain. Juta,#6:59 Juta: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa tekstong Syriac. at Bet-semes. 60At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon,#6:60 Gibeon: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa Josue 21:17. Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay labintatlong lahat. 61Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manases.
62Ang mga angkan ni Gerson ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng labintatlong bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Neftali, at mula sa kalahating lahi ni Manases sa Bashan.
63Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng labindalawang bayan mula sa lahi nina Ruben, Gad at Zebulun.
64Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65Ibinigay din sa kanila ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin sa pamamagitan ng palabunutan.
66Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68Jocmeam, Bet-horon, 69Ayalon at Gat-rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manases. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71Ang angkan ni Gerson ay binigyan ng mga sumusunod na bayan: Mula sa kalahating lahi ni Manases: Golan sa Bashan at ang Astarot, pati ang mga pastulan nito. 72Mula sa lahi ni Isacar: Kedes, Daberat, 73Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito. 74Mula sa lahi ni Asher: Masal, Abdon, 75Hucoc at Rehob, pati ang mga pastulan nito. 76Mula sa lahi ni Neftali: Kedes sa Galilea, Hamon at Kiryataim, pati ang mga pastulan nito.
77Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain: Mula sa lahi ni Zebulun: Jocneam, Carta,#6:77 Jocneam, Carta: Hindi ito makikita sa tekstong Hebreo ngunit makikita sa Septuagint at sa Josue 21:34. Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito. 78Mula sa lahi ni Ruben na nasa kabilang Ilog Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza,#6:78 Jaza: O Jahaz. 79Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito. 80At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim, 81Hesbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.