Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 4

4
Ang Ibang Lahi ni Juda
1Ang iba pang mga lahi ni Juda ay sina Peres, Hezron, Carmi, Hur at Sobal.
2Ang anak ni Sobal na si Reaias ay ang ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zorita.
3Ang mga lalaking anak#4:3 mga lalaking anak: Ito ang nasa ibang mga tekstong Septuagint. Sa Hebreo, ama. ni Etam ay sina Jezreel, Isma at Idbas. Si Hazzelelponi ang kapatid nilang babae. 4Si Penuel ang ama#4:4 ama: O ninuno ng. ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husa. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Bethlehem.
5Si Asur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6Ang mga anak niyang lalaki kay Naara ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahastari. 7Ang mga anak naman niya kay Hela ay sina Zeret, Izar,#4:7 Izar: O Zohar. Etnan, 8at Cos. Si Cos ang ama nina Anub at Zobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.
9May isang tao na ang pangalan ay Jabes. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabes#4:9 Jabes: Maaaring ang ibig sabihin, nahirapan. dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.” 10Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan upang hindi ako masaktan.” At dininig ng Diyos ang kanyang kahilingan.
11Si Caleb na kapatid ni Suha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at 12si Eston ang ama nina Bet-rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir-nahash. Sila ang angkan ni Reca.#4:12 Sila … Reca: O Sila ang mga mamamayan ng Reca.
13Ang mga lalaking anak ni Kenaz ay sina Otniel at Seraias. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.#4:13 Meonotai: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang tekstong Septuagint at sa Latin Vulgate. 14Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraias naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday.#4:14 na nagtatag ng Lambak ng mga Panday: O na ama ni Geharasim. Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.
15Ang mga lalaking anak ni Caleb na anak ni Jefune ay sina Iru, Ela at Naam. Ang lalaking anak ni Ela ay si Kenaz.
16Ang mga lalaking anak ni Jehalelel ay sina Zif, Sifa, Tirias at Asarel.
17-18Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon.#4:17‑18 Faraon: O hari ng Ehipto. Ang mga anak nila ay sina Miriam, Samai at Isba. Si Isba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Juda, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jecutiel na ama ni Zanoa.
19Napangasawa ni Hodias ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20Ang mga lalaking anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon.
Ang mga angkan ni Isi ay sina Zohet at Ben-zohet.
21Ang mga anak ni Shela na isa sa mga anak ni Juda ay sina Er (na ama ni Leca) at Laada (na ama ni Maresa), at ang mga angkan ng mga tagagawa ng pinong lino sa Bet-asbea. 22Ang iba pang mga anak niya ay sina si Joquim at ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joas, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jasubi-lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.) 23Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
Ang Lahi ni Simeon
24Ang mga lalaking anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Saul.
25Si Saul ang ama ni Salum, si Salum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Misma.
26Si Misma ang ama ni Hamuel, si Hamuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Simei.
27May labing-anim na anak na lalaki si Simei at anim na anak na babae. Ngunit kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda.
28Tumira sila sa Beer-seba, Molada, Hazar-sual, 29Bilha, Ezem, Tolad, 30Betuel, Horma, Ziklag, 31Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-biri at Saaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David. 32Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Toquen at Asan, 33pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat.#4:33 Baalat: Ito ang nasa ibang teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, Baal. Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.
34Ang iba pang lahi ni Simeon ay sina Mesobab, Jamlec, Josa na anak ni Amazia 35Joel, Jehu na anak ni Josibias at apo ni Seraias, na apo sa tuhod ni Asiel, 36Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, Benaias 37at Ziza na anak ni Sifi at apo ni Alon, at apo sa tuhod ni Jedaias. Si Jedaias ay anak ni Simri at apo ni Semaias.
38Sila ang ilan sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang kanilang pamilya 39kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa, 40at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham.
41Ngunit noong panahong si Haring Ezequias ang hari ng Juda, nilusob ang mga Hamita ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit na. Nilusob din nila ang mga Meunim na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa. 42Lumusob ang limandaan sa kanila sa kaburulan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel na mga anak ni Isi. 43Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Cronica 4: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in