1 Mga Cronica 3
3
Ang mga Lalaking Anak ni David
1Ito ang mga lalaking anak ni David na isinilang sa Hebron:
Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel.
Si Daniel#3:1 Daniel: O Kileab. ang pangalawa, anak niya kay Abigail na taga-Carmel.
2Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur.
Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit.
3Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital.
Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla.
4Silang anim ay isinilang sa Hebron kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.
Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng tatlumpuʼt tatlong taon. 5At ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon ay sina
Simea, Sobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba#3:5 Batsheba: O Batshua. na anak ni Amiel.
6May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elisama,#3:6 Elisama: O Elisua. Elifelet,
7Noga, Nefeg, Jafia,
8Elisama, Eliada at Elifelet.
9Ito lahat ang mga lalaking anak ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.
Ang mga Hari ng Juda
10Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam, si Abias ay anak ni Rehoboam, si Asa ay anak ni Abias, si Jehoshafat ay anak ni Asa. 11Si Jehoram#3:11 Jehoram: O Joram., ay anak ni Jehoshafat, si Ahazias ay anak ni Jehoram, si Joas ay anak ni Ahazias. 12Si Amazias ay anak ni Joas, si Azarias#3:12 Azarias: O Uzias., ay anak ni Amazias, si Jotam ay anak ni Azarias. 13Si Ahaz ay anak ni Jotam, si Ezequias ay anak ni Ahaz, si Manases ay anak ni Ezequias. 14Si Amon ay anak ni Manases at si Josias ay anak ni Amon.
15Ito ang mga lalaking anak ni Josias: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoiakim, ang ikatlo ay si Zedequias, at ang ikaapat ay si Salum.
16Ang pumalit kay Jehoiakim bilang hari ay si Jeconias#3:16 Jeconias: O Jehoiakin. na kanyang anak. At ang pumalit kay Jeconias ay si Zedequias na kanyang tiyuhin#3:16 tiyuhin: O kapatid..
Ang Angkan ni Jeconias
17Ang mga lalaking anak ni Jeconias, ang hari na binihag sa Babilonia ay sina Selatiel, 18Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at si Nedabias.
19Ang mga lalaking anak ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei.
Ang mga lalaking anak ni Zerubabel ay sina Mesulam at Hananias. Ang kapatid nilang babae ay si Selomit. 20May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.
21Ang mga lalaking anak ni Hananias ay sina Pelatias at Jesaias. Si Jesaias ang ama ni Refaias, si Refaias ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Secanias.
22Ang angkan ni Secanias ay si Semaias at ang anim niyang anak na lalaki na sina Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat.
23Ang tatlong lalaking anak ni Nearias ay sina Elioenai, Ezequias at Azrikam.
24Ang pitong anak na lalaki ni Elioenai ay sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.
Kasalukuyang Napili:
1 Mga Cronica 3: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.