24
Ang Gawain ng mga Pari
1Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:
Ang mga lalaking anak ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2Ngunit unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. 3Sa tulong nina Sadoc na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. 4Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa labing-anim na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar.
5Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, sapagkat may mga opisyal ng Templo na naglilingkod sa Diyos mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6Si Semaias na anak ni Netanel na Levita ang tagasulat. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Sadoc na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
7Ang unang nabunot ay si Jehoiarib,
ang ikalawa ay si Jedaias,
8ang ikatlo ay si Harim,
ang ikaapat ay si Seorim,
9ang ikalima ay si Malaquias,
ang ikaanim ay si Mijamin,
10ang ikapito ay si Hakoz,
ang ikawalo ay si Abias,
11ang ikasiyam ay si Jeshua,
ang ikasampu ay si Secanias,
12ang ikalabing-isa ay si Eliasib,
ang ikalabindalawa ay si Jaquim,
13ang ikalabintatlo ay si Jupa,
ang ikalabing-apat ay si Jesebeab,
14ang ikalabinlima ay si Bilga,
ang ikalabing-anim ay si Imer,
15ang ikalabimpito ay si Hezer,
ang ikalabingwalo ay si Afses,
16ang ikalabinsiyam ay si Petaya,
ang ikadalawampu ay si Hazaquiel,
17ang ikadalawampuʼt isa ay si Jaquin,
ang ikadalawampuʼt dalawa ay si Gamul,
18ang ikadalawampuʼt tatlo ay si Delaias,
at ang ikadalawampuʼt apat ay si Maasias.
19Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa bahay ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.
Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita
20Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:
Mula sa angkan ni Amram: si Subael.
Mula sa angkan ni Subael: si Jehedias.
21Mula sa angkan ni Rehabias: si Isaias, ang pinuno.
22Mula sa angkan ni Izar: si Zelomot.
Mula sa angkan ni Zelomot: si Jahat.
23Mula sa angkan ni Hebron: si Jerias ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jecamiam ang ikaapat.
24Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.
Mula sa angkan ni Micas: si Samir.
25Mula sa angkan ni Isaias na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.
26Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Musi.
Mula sa angkan ni Jaazias: si Beno.
27Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazias: sina Beno, Soham, Zacur at Ibri.
28Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30Mula sa angkan ni Musi: sina Mahli, Eder at Jerimot.
Ito ang mga lahi ng mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya. 31Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila upang malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Sadoc, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.