Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 20

20
Inagaw ni David ang Rabba
(2~Sam. 12:26‑31)
1Pagsapit ng tagsibol ng taóng iyon, ang panahong karaniwang nakikipagdigma ang mga hari, hindi sumáma si David at nagpaiwan siya sa Jerusalem. Si Joab ang nanguna sa mga sundalo sa mga matagumpay na pakikipaglaban. Winasak nila ang lupain ng mga Amonita at pinalibutan ang Rabba hanggang sa malipol ito. 2Pumunta si David sa Rabba at kinuha ang gintong korona sa ulo ng hari ng mga Amonita,#20:2 hari ng mga Amonita: O Milcom. Si Milcom ay diyos ng mga Amonita. at inilagay niya ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona na may mamahaling bato ay tatlumpuʼt limang kilo. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon. 3Ginawa niyang alipin ang mga mamamayan doon at pinagtrabaho, gamit ang lagare, piko, at palakol. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Amonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.
Ang Digmaan Laban sa mga Filisteo
(2~Sam. 21:15‑22)
4Makalipas ang ilang panahon, muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gezer. Sa labanang ito, pinatay ni Sibecai na taga-Husa si Sipai,#20:4 Sipai: O Saf. na isa sa mga angkan ng Rafa.#20:4 Rafa: O Refaimeo. Maaaring ang matatangkad na tao na naninirahan sa Canaan bago dumating ang mga Israelita. Tingnan sa Deu. 2:10‑11. At natalo ang mga Filisteo.
5Sa isa pa nilang labanan, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lahmi na kapatid ni Goliat na taga-Gat. Ang sibat ni Lami ay makapal at mabigat.#20:5 makapal at mabigat: Sa literal, gaya ng panghabi ng manghahabi.
6Muli pang naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gat. Sa labanang ito, may isang tao na sobrang laki, may tig-aanim na daliri sa mga kamay at paa niya. Isa rin siya sa mga angkan ng mga Rafa. 7Nang kutyain niya ang mga Israelita, pinatay siya ni Jonatan na anak ng kapatid ni David na si Simea.
8Ang mga Filisteong iyon ay mula sa mga angkan ng Rafa na taga-Gat. Pinatay sila ni David at ng mga tauhan niya.

Kasalukuyang Napili:

1 Mga Cronica 20: ASD

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in