12
Mga Mandirigmang Sumama kay David
1Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan. 2Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin. 3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan:
sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet,
sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,
4si Ismaias na taga-Gibeon na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng Tatlumpu,
sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,
5sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf,
6sina Elcana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na mga angkan ni Kora,
7sina Joela at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.
8May mga tao ring mula sa lahi ni Gad ang sumáma kay David doon sa matatag na kuta na pinagtataguan niya sa ilang. Matatapang silang sundalo na handang makipagdigma at mahuhusay gumamit ng mga pananggalang at sibat. Kasintapang sila ng mga leon, at kasimbilis ng usa sa kabundukan.
9Si Ezer ang pinuno nila,
si Obadias ang pangalawa,
si Eliab ang pangatlo,
10si Mismana ang pang-apat,
si Jeremias ang panglima,
11si Atai ang pang-anim,
si Eliel ang pampito,
12si Johanan ang pangwalo,
si Elzabad ang pangsiyam,
13si Jeremias ang pangsampu,
at si Macbanai ang panglabing-isa.
14Sila ang lahi ni Gad na mga kumander ng mga sundalo. Ang pinakamahina sa kanila ay makakapamahala ng isang daang sundalo, at ang pinakamalakas ay makakapamahala ng isang libong sundalo. 15Tinawid nila ang Ilog Jordan nang unang buwan ng taon, ang panahong umaapaw ang tubig nito, at itinaboy nila ang lahat ng nakatira sa mga lambak ng silangan at kanluran ng ilog.
16May mga tao ring nagmula sa mga lahi nina Benjamin at Juda na pumunta kay David doon sa pinagkukutaan niya. 17Lumabas si David para salubungin sila at sinabi, “Kung pumunta kayo rito upang tumulong sa akin bilang kaibigan, tinatanggap ko kayo na sumáma sa amin. Ngunit kung pumunta kayo rito upang ibigay ako sa aking mga kalaban kahit wala akong kasalanan, sanaʼy makita ito ng Diyos ng ating mga ninuno at parusahan niya kayo.”
18Pagkatapos, pinuspos ng Espiritu si Amasai na pinuno ng Tatlumpu, at sinabi niya,
“Kami po ay sa inyo,
O David na anak ni Jesse!
Magtagumpay sana kayo
at ang mga tumutulong sa inyo,
dahil ang Diyos ninyo ang tumutulong sa inyo.”
Kaya tinanggap sila ni David at ginawang opisyal ng mga sundalo niya.
19May mga tao rin na mula sa lahi ni Manases ang sumáma kay David nang pumunta siya sa mga Filisteo upang makipaglaban kay Saul. Ngunit hindi pumayag ang mga Filisteo na sumáma si David at ang mga tauhan niya, dahil iniisip nila na baka muling pumanig si David sa amo niyang si Saul. Kaya pagkatapos nilang mag-usap, pinabalik nila si David.
20Ito ang mga tao na mula sa lahi ni Manases na sumáma kay David sa Ziklag: sina Adna, Jozabad, Jediael, Micael, Jozabad, Elihu at Ziletai. Bawat isa sa kanilaʼy pinuno ng isang libong sundalo sa lahi ni Manases. 21Tumulong sila kay David sa pakikipaglaban sa mga lumulusob sa kanila, dahil matatapang silang mga mandirigma. Kaya nga naging pinuno sila ng mga sundalo ni David. 22Sa bawat araw, may mga tao na pumupunta kay David upang tumulong, hanggang sa dumami ang kanyang mga sundalo katulad ng mga sundalo ng Diyos.
23Ito ang bilang ng mga armadong sundalo na pumunta kay David sa Hebron upang tumulong sa kanya na maagaw ang kaharian ni Saul, ayon sa ipinangako ng Panginoon:
24Mula sa lahi ni Juda: 6,800 sundalong may mga dalang sibat at pana.
25Mula sa lahi ni Simeon: 7,100 na sundalo.
26Mula sa lahi ni Levi: 4,600 na sundalo, 27kabilang na si Jehoiada na pinuno ng pamilya ni Aaron at ang kanyang 3,700 tauhan, 28at si Sadoc na isang matapang at kabataang mandirigma at ang dalawampuʼt dalawang opisyal mula sa kanyang pamilya.
29Mula sa lahi ni Benjamin na mga kamag-anak ni Saul: tatlong libong sundalo. Karamihan sa lahi ni Benjamin ay nanatiling tapat kay Saul.
30Mula sa lahi ni Efraim: 20,800 matatapang na sundalo at tanyag sa pamilya nila.
31Mula sa kalahating lahi ni Manases: 18,000 lalaki. Ipinadala sila upang tumulong sa pagluklok kay David na maging hari.
32Mula sa lahi ni Isacar: dalawandaang pinuno kasama ang mga kamag-anak na pinamamahalaan nila. Sila ang nakakaalam kung ano ang dapat gawin ng Israel at kung kailan ito gagawin.
33Mula sa lahi ni Zebulun: limampung libong mahuhusay na sundalo na armado ng ibaʼt ibang armas. Handang-handa silang tumulong at mamatay para kay David.
34Mula sa lahi ni Neftali: isang libong opisyal at tatlumpuʼt pitong libong lalaking may dalang mga pananggalang at sibat.
35Mula sa lahi ni Dan: 28,600 na lalaking handang makipagdigma.
36Mula sa lahi ni Asher: apatnapung libong mahuhusay na sundalong handang makipagdigma.
37At mula sa lahi sa silangan ng Ilog Jordan, ang lahi ni Ruben, Gad at kalahating lahi ni Manases: 120,000 sundalo na armado ng ibaʼt ibang uri ng armas.
38Silang lahat ang sundalo na nagprisinta sa pakikipaglaban. Pumunta sila sa Hebron at nagkaisa silang gawing hari si David sa buong Israel. Sa katunayan, halos lahat ng Israelita ay gustong maging hari si David. 39Nanatili sila roon nang tatlong araw kasama si David na nagsisikain at nag-iinuman dahil pinadalhan sila ng mga kababayan nila ng pagkain. 40Nagdala rin ng pagkain ang mga kamag-anak nilang mula pa sa malayong lugar ng Isacar, Zebulun at Neftali. Ikinarga nila ito sa mga asno, kamelyo, mola at baka. Marami ang kanilang harina, igos, mga pinatuyong pasas, alak at langis, baka at tupa. Masayang-masaya ang lahat sa Israel.