11
Naging Hari si David sa Israel
(2~Sam. 5:1‑10)
1Pumunta ang lahat ng mga Israelita kay David sa Hebron at sinabi, “Mga kamag-anak mo kami. 2Mula pa noon, kahit nang si Saul pa ang aming hari, ikaw na ang namumuno sa mga Israelita sa pakikipaglaban. At sinabi sa iyo ng Panginoon na iyong Diyos, ‘Aalagaan mo ang mga mamamayan kong Israelita, tulad ng isang pastol ng mga tupa. Ikaw ang mamumuno sa kanila.’ ”
3Kaya roon sa Hebron, gumawa si David ng kasunduan sa mga pinuno ng Israel sa harap ng Panginoon, at binuhusan nila ng langis ang ulo ni David bilang hari ng Israel, ayon sa ipinangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.
Sinakop ni David ang Jerusalem
4Pumunta si David at lahat ng mga Israelita sa Jerusalem (na dating Jebus) upang lusubin ito. Ang mga Jebuseo na nakatira roon 5ay nagsabi kay David, “Hindi kayo makakapasok dito.” Ngunit sinakop nina David ang matatag na kuta ng Zion,#11:5 Zion: Ito ang unang tawag sa Jerusalem. na kalaunan ay tinawag na Lungsod ni David.
6Sinabi ni David, “Ang sinumang manguna sa paglusob sa mga Jebuseo ang magiging kumander ng mga sundalo.” Si Joab na anak ni Zeruias ang nanguna sa paglusob kaya siya ang naging kumander.
7Pagkatapos maagaw ni David ang matatag na kutang iyon, doon na siya tumira. At tinawag niya itong Lungsod ni David. 8Pinadagdagan niya ang mga pader sa paligid mula sa mababang parte ng lungsod. Si Joab ang namamahala sa pag-aayos ng ibang bahagi ng lungsod. 9Naging makapangyarihan si David, dahil tinutulungan siya ng Panginoon ng mga Hukbo.
Magigiting na Kawal ni David
(2~Sam. 23:8‑39)
10Ito ang mga pinuno ng matatapang na tauhan ni David. Sila at ang lahat ng Israelita ay sumuporta sa paghahari ni David ayon sa ipinangako ng Panginoon tungkol sa Israel. 11Ito ang listahan ng mga matatapang na tauhan ni David:
Si Jasobeam na Hacmonito, ang nangunguna sa tatlo#11:11 tatlo: Ito ang nasa ibang mga teksto ng Septuagint (tingnan din sa 2 Sam. 23:8). Sa Hebreo, tatlumpu. na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng tatlong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.
12Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodo na mula sa angkan ni Aho. Isa rin siya sa tatlong matatapang na lalaki. 13Isa siya sa mga sumáma kay David nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo sa Pas-damim. Doon sila napalaban sa taniman ng sebada at tumakas ang ibang mga Israelita. 14Ngunit sina Eleazar at David ay nanatili sa gitna ng taniman. Ipinagtanggol nila ito at pinatay ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon.
15Isang araw, pumunta kay David ang tatlo sa tatlumpung pinuno ng kanyang mga mandirigma doon sa kuweba ng Adulam. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim, 16at naagaw nila ang Bethlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan, 17nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha ng tubig na maiinom para sa akin mula sa balon malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem.” 18Kaya palihim na pumasok ang tatlong magigiting na kawal sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David. Ngunit hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog sa Panginoon. 19Sinabi niya, “O Diyos ko, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David.
Iyon nga ang mga ginawa ng tatlong magigiting na kawal ni David.
20Si Abisai na kapatid ni Joab ang pinuno ng Tatlo#11:20 Tatlo: Ito ang nasa karamihang manuskritong Hebreo. Sa ibang manuskrito at sa ibang naunang salin gaya ng Syriac, tatlumpu.. Nakapatay siya ng tatlong daang Filisteo sa pamamagitan ng sibat niya. Kaya naging tanyag siya gaya ng tatlong magigiting na kawal, 21pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa tatlumpu niyang kasama, siya ang naging kumander nila.
22May isa pang matapang na lalaking ang pangalan ay Benaias. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Joiada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito. 23Pinatay din niya ang isang Ehipsiyong may taas na pitoʼt kalahating talampakan. Ang armas ng Ehipsiyong ito ay sibat na mabigat at makapal,#11:23 mabigat at makapal: Sa literal, gaya ng panghabi ng manghahabi. pero ang armas niyaʼy isang pamalo lang. Inagaw niya ang sibat sa Ehipsiyo at ito rin ang ipinampatay sa kanya. 24Ito ang mga ginawa ni Benaias na anak ni Joiada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong magigiting na kawal, 25pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang tatlumpung kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.
26Ito ang mga magigiting na kawal ni David:
si Asahel na kapatid ni Joab,
si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem,
27si Samot na taga-Harod,#11:27 Samot na taga-Haro: O Sama na taga-Haror.
si Helez na taga-Pelon,
28si Ira na anak ni Iques na taga-Tekoa,
si Abiezer na taga-Anatot,
29si Sibecai na taga-Husa,
si Ilai#11:29 Ilai: O Zalmon. na taga-Aho,
30si Maharai na taga-Netofa,
si Heled#11:30 Heled: O Heleb. na anak ni Baana na taga-Netofa,
31si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea, na sakop ng Benjamin,
si Benaias na taga-Piraton,
32si Hurai#11:32 Hurai: O Hudai. na nakatira malapit sa mga ilog ng Gaas,
si Abiel#11:32 Abiel: O Abialbon. na taga-Arba,
33si Azmavet na taga-Baharum,#11:33 Baharum: O Bahurim.
si Eliaba na taga-Saalbon,
34ang mga anak ni Hasem#11:34 Hasem: O Jasen. na taga-Gizon,
si Jonatan na anak ni Sage#11:34 Sage: O Sama. na taga-Harar,
35si Ahiam na anak ni Sacar#11:35 Sacar: O Sharar. na taga-Harar,
si Elifal na anak ni Ur,
36si Hefer na taga-Mequera,
si Ahias na taga-Pelon,
37si Hezro na taga-Carmel,
si Naarai#11:37 Naarai: O Paarai. na anak ni Ezbai,
38si Joel na kapatid ni Natan,
si Mibhar na anak ni Hagri,
39si Zelec na Amonita,
si Naharai na taga-Beerot, na tagapagdala ng armas ni Joab na anak ni Zeruias,
40sina Ira at Gareb na mga taga-Jatir,#11:40 taga-Jatir: O Angkan ni Itra.
41si Urias na Heteo,
si Zabad na anak ni Ahlai,
42si Adina na anak ni Siza na isang pinuno sa lahi ni Ruben kasama ng kanyang tatlumpung tauhan,
43si Hanan na anak ni Maaca,
si Josafat na taga-Mitna,
44si Uzias na taga-Asterot,
sina Sama at Jeiel na mga anak ni Hotam na taga-Aroer,
45si Jediael na anak ni Simri, at ang kapatid niyang si Joha na taga-Tiz,
46si Eliel, na taga-Mahava,
sina Jeribai at Josavia na mga anak ni Elnaam,
si Itma na taga-Moab,
47sina Eliel, Obed, at Jasael na taga-Zoba.