Iukit mo ang pangalan ko
sa puso mo
upang patunayan na ako
lamang ang mahal mo.
At ako lamang ang yayakapin
ng mga bisig mo.
Makapangyarihan ang pag-ibig
gaya ng kamatayan;
maging ang pagnanasa
ay hindi mapipigilan.
Ang pag-ibig ay parang lumiliyab
at lumalagablab na apoy.